SA ginanap na General Assembly ng nasa 700 mga lider ng Kilusang Pagbabago Lead Organization Inc. sa Negros Oriental, apat na tatakbong senador ang inisyal na kanilang inanunsiyo na ikakampanya sa susunod na eleksiyon.
Ang Samahang Kilusang Pagbabago ay nabuo noong taong 2016 nang tumakbo bilang pangulo ang dating Presidente Rodrigo Roa Duterte.
Ito ay samahan ng mga ordinaryong mamamayan ng Negros Oriental na naniniwala sa pagbabago na sinimulan noon ni FPRRD sa kaniyang pamumuno.
Subalit ngayon, dulot ng pagkadismaya sa naging sitwasyon ng ating bansa.
Itutuloy ng Kilusang Pagbabago ang paghahanap ng mga kandidato na magpapatuloy ng sinimulang pagbabago ng dating Pangulong Duterte.
Ilan sa tinitingnan nilang mga batayan sa mga kandidato ay ang nagsusulong ng kapayapaan, seguridad ng mamamayan laban sa kriminalidad at ilegal na droga, paglaban sa korapsiyon at pagpapataas ng antas ng pamumuhay ng bawat Pilipino.
Kung kaya naman sa inisyal na listahan ng samahan, susuportahan nila ang kandidatura nina:
Atty. Vic Rodriguez, na dating executive secretary ng Marcos administration na ngayon nagsusulong ng pagbabalik ng death penalty sa mga kasong plunder at drug trafficking.
Nasa listahin rin si Atty. Jesus Villanueva Hinlo Jr. na taga-Bacolod City at kaisa-isang taga Visayas sa senatorial slate ng PDP; na tututok sa pagpapaangat sa ating mga manggagawang Pilipino.
Gayun din si Cong. Rodante Marcoleta, na subok na ang kredibilidad at maraming gustong gawing pagbabago sa sistema ng gobyerno.
At spiritual leader na si Pastor Apollo C. Quiboloy, na mula Davao City, independent candidate; na tututok sa paglikha ng batas upang makamit ang ‘zero corruption’ sa gobyerno, at iba pang batas na magsusulong ng modernisasyon upang maging first world country, ang Pilipinas.
“Mayroon silang magandang… isang bungang kabutihan para sa mga tao. Espesyal ko lang binanggit si Pastor Apollo Quiboloy, Ito siya… magkaiba kami ng relihiyon pero ang relihiyon, relihiyong lang ‘yan. Pareho tayo ng pananampalataya sa Panginoon. Naniniwala siya sa Panginoon at alam niyang ang misyon nating mga Kristiyano ay magtatag ng isang Kaharian sa lupa. Ang Kapayapaan, na lahat tayo tulad sa langit ay makakatikim ng pulot, pulot at masaganang pagkain dahil binigyan tayo ng Panginoon ng biyaya. Kaya kami, ako mismo, naniniwala ako na si Pastor Apollo Quiboloy, ito ang kanyang misyon. Ito rin ang misyon ko kaya tutulong ako. Personal ko itong prinsipyo at ito rin ang prinsipyo ng Kilusang Pagbabago Lead Organization at gayundin ng mga kasamahan ko sa Maisug,” wika ni Ernest Quijano, Chairman, KPLOI, NIR.
Malaki ang pasasalamat ng chairman ng KPLOI sa Negros Island Region na si Ernest Quijano dahil umabot sa 700 mga ordinaryong mamamayan sa Negros Oriental ang Maisug na kumasa sa hamon na ikampanya ang mga kandidato na pabor sa mga hakbang ng dating Pangulong Duterte.
Gayundin sa mga taga-suporta, na nasa likod ng tagumpay ng naturang pagtitipon. Ayon kay Quijano, gayong importante ang budget panahon sa eleksiyon, hindi aniya, ang nasa dami ng perang pinamigay, ang basehan ng pagboto, kundi ang pagpili ng kandidato na sinsero at tunay na nagmamalasakit sa mga Pilipino.
“Mahalaga ‘yung pera, pero hindi naman siguro kailangan ng maraming pera na sobra-sobra tulad ng oposisyon ng mga minamahal nating kandidato na bumabaha sa kampanya. Dahil ang paraan nila ng pangangampanya ay namimili rin tulad ng: iboto ang aking kandidato, bibigyan ka namin ng 500, 1000, 3000 pero ang pamamaraan natin ay ipaliwanag at makuha ang gusto ng taumbayan at kung ano ang ating misyon at kung ano ang ating pananaw para sa ating lipunan. Kung saan ang layunin ng kandidato, ay ang layunin din ng mga tao. Kaya itong campaign, dapat may goal tayo, magkaisa tayo. So doon natin mapipigilan ang pagbaha ng pera mula sa Kaban ng Bayan na na-corrupt,” ani Quijano.
Sa kabila ng umano’y pang-haharass sa mga lider at supporter ng Kilusang Pagbabago, ng kabilang kampo sa Negros Oriental, Maisug nila itong haharapin dahil sa pagnanais na maibalik ang nasimulang pagbabago na nasimulan na sana noong administrasyong Duterte.
Sa susunod na pagkakataon, aasahan ang panibagong assembly ng mga lider para naman sa iba pang mga kandidatong tatakbo pagka-senador, na kanilang susuportahan.