Patas na edukasyon sa SUCs, target ng CHED

Patas na edukasyon sa SUCs, target ng CHED

HINIHIKAYAT ng Commission on Higher Education (CHED) ang lahat ng state universities at colleges (SUCs) na bumuo ng hakbang upang magkaroon ng patas na access sa edukasyon ang mga mag-aaral lalong-lalo na ang mga nagmumula sa mahihirap na pamilya.

Naglabas naman ang CHED ng P15-M para sa isasagawang pag-aaral hinggil dito ng Don Mariano Marcos Memorial State University, Samar State University at University of Southern Mindanao.

Tugon na ito ng CHED sa datos na nakalap nila kung saan tatlo sa bawat 10 estudyante ay temporaryo o permanenteng humihinto sa pag-aaral dahil sa isyung pinansiyal, family problems, relocation, medical o health concerns, at problema sa academics.

Ayon pa kay CHED Chairman Popoy de Vera, bagama’t marami ang mga kabataang nakakapag-aral sa kolehiyo dahil sa free education program, nagiging “competitive” na rin ang admission tests lalo na sa public universities.

Nagreresulta ito na ang mga “less prepared” kung tawagin sa kolehiyo ay hindi na nakakapag-aral.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble