Paul Soriano, hindi magiging bahagi ng “PR machine” –PBBM

Paul Soriano, hindi magiging bahagi ng “PR machine” –PBBM

HINDI magiging bahagi ng “PR machine” direktor ng pelikula si Paul Soriano.

Ito ang inihayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. bilang katwiran niya sa pagkakatalaga kay Soriano bilang presidential adviser para sa malikhaing komunikasyon.

Ani Marcos, nagkamali ang mga tao, wala siya doon para maging bahagi ng PR machine.

Nandiyan siya para maghanap ng mga paraan para i-promote ang creative industry kasi doon siya galing.

Samantala sinabi ito ni Pangulong Marcos sa isang pagkakataong panayam ng National Information and Communications Technology Summit 2022 sa Manila Hotel.

 

 

Follow SMNI News on Twitter