HINIHIKAYAT ngayon ng Miss Supranational Philippines 2023 titleholder Pauline Amelinckx ang publiko na maging concern at magpakita ng kabutihan sa mga beauty queen.
Sa kaniyang official social media post, sinabi ng beauty queen na kinakailangang magkaroon ng support system sa kahit kanino sa pageant industry.
Kasunod nito, ibinahagi ni Pauline Amelinckx ang hirap na dinaranas ng mga beauty queens lalo na sa pagsabak ng mga ito sa industriya.
Ang nasabing post ay kasunod ng mga negatibong komento mula sa mga netizen patungkol sa bawat beauty queen manalo lang ang kanilang “bet”.
Inulan naman ito ng komento mula sa mga netizens at kasamahan nito sa pagentry maging si Miss Universe 2018 Catriona Gray.