PBBM at bagong Sri Lankan Ambassador, nangakong higit pang palalakasin ang relasyon ng dalawang bansa

PBBM at bagong Sri Lankan Ambassador, nangakong higit pang palalakasin ang relasyon ng dalawang bansa

PAREHONG nangako sina Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. at Sri Lankan Ambassador to the Philippines, Chanaka Harsha Talpahewa na palalakasin pa ang relasyon sa pagitan ng Pilipinas at Sri Lanka.

Kasabay ng pagpresinta ng mga kredensiyal ni Talpahewa sa Malacañang, sinabi ni Pangulong Marcos na umaasa siyang patuloy na paunlarin ang bilateral na ugnayan ng Pilipinas at Sri Lanka habang ipinangako niyang pagsisikapan ang pagpapahusay ng ekonomiya ng dalawang bansa.

“With the continuing hope that the relationship between our two countries, which has been an ongoing and long-standing relationship for [62] years is something that we will continue to develop and continue to make stronger” ayon kay Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.

Inihayag naman ng ambassador na hangad niya na higit pang mapagsama at mapalakas ang aniya’y “warm and friendly” na bilateral na relasyon sa pagitan ng Pilipinas at Sri Lanka.

Nangako rin ang pangulo at embahador na dalhin ang ugnayan nito sa susunod na antas upang matiyak ang mutual benefit.

Itinatag ng Pilipinas at Sri Lanka ang kanilang pormal na relasyong diplomatiko noong Enero 11, 1961.

Noong nakaraang taon, nasa ika-75 ranking ang Sri Lanka bilang kasosyo sa kalakalan ng Pilipinas, na may total trade na umabot sa USD29.29-M.

Ang Pilipinas ay may 15 bilateral na kasunduan sa Sri Lanka sa larangan ng consular/visa services, political consultations, air services, educational and cultural matters, trade, defense, higher education, agriculture and research, turismo, at iba pa.

Mas matibay na ugnayang Pilipinas at Uganda, ipinangako kasabay ng pagtanggap ni PBBM sa bagong non-resident envoy

Bukod sa Sri Lankan envoy, ay tinanggap din ni Pangulong Marcos si Ambassador Betty Oyella Bigombe, ang non-resident ambassador ng Uganda sa Pilipinas.

Sa presentation of credentials, nagpahayag ng pag-asa si Pangulong Marcos na ang Pilipinas at Uganda ay makahahanap ng mga paraan upang patatagin ang kanilang relasyon.

“I hope that during the time you will be with us, you will be able to find many ways to strengthen the relationship between our two countries,” ayon pa kay Pangulong Marcos.

Inilahad naman ng Ugandan envoy na karangalan niyang maglingkod bilang Ambassador-Designate ng Uganda sa Pilipinas, dahil napansin niya ang mainit, magiliw, at tradisyonal na relasyon ng dalawang bansa sa mahabang panahon.

Noong nakaraang taon, ang kabuuang kalakalan ng Pilipinas sa Uganda ay nagkakahalaga ng USD4.04-M.

May tinatayang 96 na Filipino nationals sa Uganda base sa tala noong 2022, karamihan sa mga ito ay professionals at skilled workers.

Umaabot sa USD842,000 ang remittance ng overseas Filipino worker (OFWs) noong 2021 at USD848,160 noong 2022.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

 

 

 

Follow SMNI NEWS on Twitter