PBBM, dapat magkaroon muli ng kontrol sa proseso ng budget

PBBM, dapat magkaroon muli ng kontrol sa proseso ng budget

DAPAT makuha muli ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. ang kontrol sa proseso ng paggawa ng budget.

Pahayag ito ni dating Sen. Franklin Drilon kasunod ng isyu ng 2025 national budget, na tinukoy niyang pinakakorup na pondo na nakita niya.

Ayon kay Drilon, sa kaniyang 24 na taon sa Senado, ang 2025 national budget ang pinaka-sirang budget.

Labis na aniya ang panghihimasok ng mga mambabatas sa proseso ng paggawa ng budget, kung saan may mga panukalang programa ng Malacañang na nailipat bilang unprogrammed appropriations para pondohan ang proyekto ng mga mambabatas.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble