DUMATING na si Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa Estados Unidos para makibahagi sa ika-77 na United Nations General Assembly (UNGA).
Sa kanyang arrival sa United States of America, dinaluhan ng Punong Ehekutibo ang pagtitipon ng Filipino community sa New Jersey Performing Arts Center sa New Jersey.
Personal na pinasalamatan ni Pangulong Marcos ang mga ‘kababayang’ Pinoy doon sa kanilang patuloy na suporta.
Sa kabilang dako, inihayag naman ni Ambassador Jose Manuel Romualdez ng Embassy of the Philippines to the USA na mayroong 4.3 milyong mga Pilipino ang nakatira at nagtatrabaho sa Estados Unidos.
Bago tumungo sa US nitong Setyembre 18, nagkaroon ng departure speech si PBBM sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
At humarap sa mga miyembro ng kaniyang gabinete at iba pang opisyal ng pamahalaan.