IBINIDA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga hakbang na tinatahak ng Pilipinas na alinsunod sa limang tema ng World Economic Forum (WEF) para sa taong ito.
Ginawa ito ni Pangulong Marcos sa harap ng mga negosyante sa Philippines Country Strategy Dialogue sa 2023 WEF sa Davos, Switzerland nitong Enero 17.
Kasama ang economic team, ipinahayag ni Pangulong Marcos sa kanyang talumpati ang kalagayan ng Pilipinas at mga hakbang ng administrasyon sa usapin ng inflation, kalakalan, imprastruktura, enerhiya, climate change at iba pa.
Pahayag pa ni Pangulong Marcos, isang magandang pagkakataon ang nasabing talakayan upang maipakita sa WEF at partners nito ang mga oportunidad na maaaring buksan sa Pilipinas.