APRUBADO na ang rules and guidelines para sa single ticketing system na ipatutupad sa buong Metro Manila.
Sa isang pulong balitaan kanina na ginanap sa San Juan City Session Hall, napagkasunduan ng technical working group na binubuo ng Metro Manila Development Authority (MMDA), Land Transportation Office (LTO), at Metro Manila Council (MMC).
Sa ilalim ng polisiya, gagawin nang integrated ang traffic system ng local government units sa Land Transportation Office (LTO) upang makita kung ilang violation ang nagawa ng isang motorista.
Kabilang din sa nabanggit na sistema gagawin nang pare-pareho ang ipapataw na multa para sa 20 common violations, kabilang na ang pakikipagtalo sa rumespondeng enforcer at maiingay na tambutso.