PBBM nakaalis na patungong Phnom Penh Cambodia para sa ASEAN Summit

PBBM nakaalis na patungong Phnom Penh Cambodia para sa ASEAN Summit

NAKAALIS na ng bansa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. patungong Phnom Penh Cambodia para dumalo sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit.

Alas-5 ng hapon, Nobyembre 9, 2022 nang umalis ang Philippine Airlines flight PR 001 kung saan pinangunahan ni Pangulong Marcos ang delegasyon ng Pilipinas papuntang Phnom Penh Cambodia kabilang na rito ang mga Cabinet Secretary.

Bago mag alas-5 ng hapon ginawa ang departure honors sa Pangulo at talumpati sa Ninoy Aquino International Airport Terminal-2.

Kasama ng Pangulo sa delegasyon sina OPAPP Secretary Carlito G. Galvez Jr., PNP Chief PGen. Rodolfo Azurin, DSWD Secretary Erwin Tulfo, National Security Adviser Carlita Carlos, OPS Secretary Cheloy Garafil, DTI Sec. Alfredo Pascual, ES Lucas Bersamin, Solicitor General Menardo Guevarra.

Sa talumpati, sinabi ng Pangulo na ang kanyang pakikilahok ay magtataguyod at magpoprotekta sa interes ng Pilipinas sa ASEAN.

Kanya ring bibigyang-diin ang kooperasyong pangrehiyon sa maritime security, climate change, food security, kooperasyong pangkalusugan at pagbawi sa ekonomiya.

Tatalakayin din ang mga isyu sa rehiyon tulad ng pandemya, ang sitwasyon sa Myanmar, mga pag-unlad sa South China Sea at ang patuloy na tensyon sa pagitan ng Russia at Ukraine.

‘’And we will also be having bilateral meetings with some of my counterparts in ASEAN each other’s nation building efforts is very much alive in the Kingdom of Cambodia,’’ ayon kay PBBM.

Una nang sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) na inaasahang mahigit sa 2 bilateral meetings ang dadaluhan ng Pangulo sa Cambodia na isasabay sa pagdalo sa 40th at 41st ASEAN Summits and related summits mula Nobyembre 10 – 13.

Kabilang na rito ang kaniyang bilateral meeting kay Cambodian Prime Minister Samdech Hun Sen at  kay South Korean President Yoon Suk Yeol.

Follow SMNI NEWS in Twitter