NAKALIPAD na si Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. patungong Estados Unidos para sa kaniyang paglahok sa ika-30 APEC Economic Leaders’ Meeting (AELM) sa San Francisco, California at working visits sa Los Angeles, California at Honolulu, Hawaii.
Bago nito, nagbigay muna ng kaniyang departure statement ang Pangulo sa Villamor Airbase, Pasay City nitong gabi ng Martes.
Ito ang ikatlong pagbisita ng Pangulo sa Estados Unidos at ang kaniyang ikalawang paglahok sa AELM mula noong siya ay nanungkulan.
Ang tema ng APEC ngayong taon ay “Creating a Resilient and Sustainable Future for All” na umaayon sa economic agenda ng administrasyon ni Pangulong Marcos Jr..
Samantala, personal ding bibisitahin ni PBBM ang Filipino community sa LA at Honolulu sa sideline ng kanyang pagdalo sa nasabing pagtitipon.