PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pamamahagi ng iba’t ibang government assistance sa mga biktima ng matinding pag-ulan at flash floods sa ilang bahagi ng Mindanao.
Personal na nagtungo si Pangulong Marcos sa Gingoog City, Misamis Oriental ngayong araw, Enero 11.
Nasa PhP7.5 million halaga ng cash assistance ang naipamahagi sa tinatayang 1,500 mga benepisyaryo.
Nakatanggap ang bawat isa ng tig- PhP5,000 mula sa Pangulo at sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Mayroon ding pagkain at relief packages.