NAGSAGAWA ng warship drills ang bansang Russia sa Norwegian Sea.
Ayon sa Defence Ministry nitong Martes, January 10, isang air defense exercise ang partikular na ginawa ng mga crew ng Frigate Admiral of the Fleet of the Soviet Union Gorshkov.
Noong nakaraang linggo ay ipinadala ang frigate sa Atlantic Ocean kasabay ang ilang new generation hypersonic cruise missiles.
Ang hakbang na ito ay pagpapakita sa mga taga-west na hindi luluwag o hihinto ang Russia mula sa kanilang pananakop sa Ukraine.
