PBBM sa bagong promote na PNP officials: Bigyang atensiyon ang paglaban sa cybercrime

PBBM sa bagong promote na PNP officials: Bigyang atensiyon ang paglaban sa cybercrime

NANAWAGAN si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa patuloy na aksiyon upang mapababa ang crime rate sa bansa partikular na sa digital space.

Ang pahayag ng Punong-Ehekutibo ay sa gitna ng panunumpa ng 55 na bagong star rank officers ng Philippine National Police (PNP) sa Malacañang nitong Lunes.

Sa kaniyang talumpati, hinimok ni Marcos ang mga bagong na-promote na opisyal ng PNP na magtrabaho para sa mga tao hanggang sa huling araw o ng kanilang serbisyo.

“Each one of you will spend the last mile of your glorious journey not counting the days to your retirement but chalking up and receiving greater success, and showing off more achievements,” pahayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Pinagtibay rin ni Marcos Jr. ang kaniyang pangako na tiyakin ang kaligtasan ng bawat mamamayan.

Kasabay ng panawagan sa mga bagong na-promote na opisyal ng pulisya na magtrabaho nang husto at may integridad para sa kapakanan ng mga tao.

Hinimok din ng Pangulo ang puwersa ng pulisya na tumutok sa paggamit ng makabagong teknolohiya na nakatutulong sa pagprotekta at paglilingkod sa mga tao, lalo na sa paglaban sa cybercrime.

Pinalalakas ng gobyerno ang kanilang mga pagsusumikap laban sa cybercrime, mula sa pagtuklas at pagtugon hanggang sa pagbuo at pagresolba ng kaso.

Nangako si Marcos na patuloy na sasanayin ang mga tauhan ng PNP sa paglaban sa cybercrime at pagpapahusay ng mga kakayahan sa cybersecurity.

Ipinagtibay rin nito ang kaniyang pangakong pagpapalakas sa kakayahan ng PNP at sa iba pang suporta para sa kapulisan.

“As you carry out your mission, let me assure you of this administration’s unwavering support and commitment to enhance the PNP’s capabilities and the welfare of all PNP personnel,” aniya.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble