PBBM, sinagot ang isyu ukol sa unpaid estate taxes ng kanyang pamilya

PBBM, sinagot ang isyu ukol sa unpaid estate taxes ng kanyang pamilya

NAGHAMON si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na buksan at pagdebatehan ang kaso patungkol sa unpaid estate taxes ng kanyang pamilya.

Ipinaliwanag ni Pangulong Marcos na hindi pinayagan noon ang kanyang pamilya na maibigay ang kanilang panig ukol sa isyu dahil sa panahong lumabas ang nasabing kaso, nasa Estados Unidos ang mga ito.

Pero ngayong nandito na silang lahat sa Pilipinas, ani PBBM, marapat lang na buksan ang kaso at mapagdebatehan para matuldukan na ang naturang isyu.

Saad pa ni Pangulong Marcos, handa ang kanyang pamilya na sagutin at linawin ang mga sinasabing property na pag-aari umano ng Marcoses na pinatawan ng buwis.

Giit ni PBBM, hindi maliwanag ang properties na sinasabing pag-aari nito.

Batay sa inilabas noon na court records, nagkakahalaga ng P23 bilyon ang hindi nababayarang buwis ng pamilya Marcos.

Tinataya namang lumobo na ito sa P203 bilyon dahil sa mga interes at multa matapos hindi mabayaran pagkaraan ng maraming taon.

 

 

 

Follow SMNI News on Twitter