PDL sa bilibid, kusang loob na ibinigay ang mga civilian clothes para sa nasalanta ng bagyong Odette

PDL sa bilibid, kusang loob na ibinigay ang mga civilian clothes para sa nasalanta ng bagyong Odette

KUSANG-LOOB na ibinigay ng mga Persons Deprived of Liberty (PDL) ang kanilang mga civilian clothes sa BuCor para ipamahagi sa ating mga kababayan na patuloy na bumabangon mula sa bagyong Odette.

Alinsunod sa polisiya sa New Bilibid Prison, kusang ibinigay ng mga PDL ang kanilang mga gamit na pang sibilyan bilang tulong narin sa mga tinamaan ng bagyong Odette.

Sako-sakong mga damit, sapatos at iba pang gamit pang kasuutan ang matatanggap ng ating mga kababayan na naapektuhan ng bagyong Odette.

Mula sa Persons Deprived Liberty sa New Bilibid Prison.

 

January 18 nang kusang loob na ibigay ng mga PDL ang kanilang mga damit at iba pang gamit pang kasuutan sa Bureau of Corrections.

May kabuuang mahigit sa 600 na sako ang nakuha mula sa mga PDL sa loob ng maximum security compound.

May 29 na sako mula sa North, 51 sa east, 235 sa south at 281 sa west side ng maximum security compound.

Kaya naman para sa isang PDL, mas mainam na idonate na lamang ang mga kagamitang sibilyan, bilang pagsunod narin sa mga alituntunin sa loob ng maximum security compound na bawal magsuot ng mga civilian clothes.

Dagdag pa ng PDL ibibigay nila ang kanilang donasyon sa mga nasalanta ng bagyong Odette.

Di naman nagkulang ang BuCor sa pangangailangan ng mga PDLs pagdating sa mga gamit pangkasuotan.

Dagdag pa ng BuCor na walang ititirang civilian clothes ang BuCor para sa mga PDL at uniformed orange shirt lang ang susuutin ng mga ito.

SMNI NEWS