MARIING kinondena ng partido PDP-Laban ang desisyon Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang preventive suspension na ipinataw sa programang ‘Gikan sa Masa Para sa Masa’ ng SMNI kung saan tampok si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon sa partido, ang hakbang ng MTRCB ay tahasang paglabag sa freedom of expression at press freedom.
Posible rin daw nalabag ng MRTCB ang PD 1986 dahil walang malinaw na violations kung bakit pinatawan ng preventive suspension ang programa.
Malinaw rin na may chilling effect ang desisyon ng MTRCB sa mga media entity at matatakot na ang mga ito na pumuna sa gobyerno.
Hanggang sa unang linggo ng Enero 2024 tatagal ang program preventive suspension ng MTRCB.