NUMBER 1 sa takilya ang pelikulang Barbie sa highest-grossing movie nito ngayong 2023 na direksiyon ni Greta Gerwig.
Ayon sa Box Office Mojo, umabot na sa $1.38-B na ang worldwide gross ng fantasy comedy film nina Margot Robbie at Ryan Gosling.
Pumapangalawa sa pelikula ay ang “The Super Mario” movie na may global gross na $1.36-B.
Samantala, naka-$856-M na ang epic biographical thriller film na pinagbidahan ni Cillian Murphy Bilang J. Robert Oppenheimer na kinilala bilang ama ng atomic bomb.