NANGANGANIB na mangyari muli ngayon ang People Power na nangyari noon sa administrasyon ng Marcos Sr.
Ayon ito sa dating CPP-NPA-NDF kadre na si Ramon ‘Ka-Peter’ Mutoc sa isang panayam ng SMNI News.
Halimbawa na lang aniya rito ang mistulang pagiging kaalyado ng CPP-NPA-NDF sa gobyerno ngayon gaya noon.
Sinuportahan naman siya ng kaniyang kapwa dating CPP-NPA-NDF kadre na si Jeffrey ‘Ka-Eric’ Celiz dahil aniya, laganap na sa kasalukuyan ang paglapastangan sa kapangyarihan ng gobyerno.
Kung titingnan lang aniya, marami na nga sa mga pangyayari sa kasalukuyan na kung babalikan ang nakaraan ay nangyari na sa Marcos Sr. administration.
Ang naturang mga pangyayari ani Ka-Eric ay nag-uudyok sa publiko na mag-alsa upang palitan ang mga nakaupong walang magandang naidulot sa bansa.
Ang EDSA People Power Revolution ay naganap noong Pebrero 22-25, 1986.