NILINAW ni Senior Deputy Majority Leader at Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos na hindi gagamitin ang pera ng mga pensioner sa panukalang Maharlika Investment Fund (MIF).
Ang paglilinaw ay ginawa dahil sa government financial institutions gaya ng SSS, GSIS, Landbank at DBP kukunin ang capital ng MIF para palaguin gamit ang iba’t ibang investments.
Ngunit ani Marcos, hindi gagalawin ang pensyon dahil may nakabukod na investible funds ang government owned corporations.
Yun aniya ang gagamitin at pag-iisahin para gawing ‘seed money’ sa MIF at hindi hahawakan ang pensyon ng ating mga kababayan.
“The GSIS and all these corporations do already have investible funds. Hindi po galing sa pension. It will be taken from the investible funds that are already there. Hindi po hahawakan ang pension ng ating mga kababayan,” ani Marcos.
Sa ngayon, may inilunsad ng online petition laban sa MIF o ang “Hands off our SSS and GSIS contributions, NO TO House Bill 6398!” sa Change.org na umano’y inisyatiba ng mga makakaliwa.