Petisyon na inihain sa Korte Suprema laban sa proseso ng bilangan ng boto noong 2022 elections, handang sagutin ng COMELEC

Petisyon na inihain sa Korte Suprema laban sa proseso ng bilangan ng boto noong 2022 elections, handang sagutin ng COMELEC

TINIYAK ng Commission on Elections (COMELEC) na nakahanda silang magpaliwanag at sagutin ang writ of mandamus na inihain ni dating Information and Communications Technology Undersecretary Eliseo Rio kahapon sa Korte Suprema kaugnay sa naging proseso ng bilangan nitong 2022 national elections.

Gayunman ay nilinaw ni COMELEC spokesperson Atty. John Rex Laudiangco na wala pa silang natanggap na kopya ng nasabing petisyon pero iisa lang naman aniya palagi ang kanilang komento sa mga kumukwestiyon sa kanilang mga proseso.

Ito aniya ang COMELEC rules of procedure, gayundin ang rules on civil procedure o rules of court, na may binibigay na tamang lugar kung saan maaari itong kwestyunin ng sinoman sa pamamagitan ng due process ng batas at ng public order.

Iginiit naman ng COMELEC na ang nasabing petisyon ay magbibigay-daan o ng tamang lugar sa lahat ng partido na sagutin ang nasabing isyu dahil sa umiiral na judicial process.

 

Follow SMNI News on Twitter