NAGAWANG makuha ng Petro Gazz Angels ang panalo sa Game 1 laban sa Creamline Cool Smashers sa finals ng Philippine Premiere Volleyball All-Filipino Conference.
Binigyan ng dalawang finalist ng magandang laban ang live audience nito na umabot sa 11,500 sa Mall of Asia Arena kung saan tinalo ng Gazz Angels ang Game 1 ng best-of-3 series kontra sa Cool Smashers na nagtapos sa iskor na 25-22,24-26, 25-23 at 26-24.
Ipinakita ng Petro Gazz ang tibay ng depensa nito at pinagsamantalahan din nito ang napakaraming errors ng Creamline upang mauwi ang mainit at napakahabang laban na umabot ng mahigit 3 oras.
Pinangunahan ni Jonah Sabete ang Petro Gazz na may 18 points sa 16 na atake, at 2 blocks bukod sa 15 na excellent receptions nito.
Nag-ambag din si Aiza Maizo-Pontillas ng 15 points at Gretchel Soltones na may 14 points.
Gaganapin naman ang Game 2 ng serye bukas sa Mall of Asia Arena kung saan maaari nang maiuwi ng Petro Gazz ang korona o mai-extend pa ng Creamline hanggang Game 3 at maipanalo ang finals.