Petro Gazz, pasok sa semi finals ng PVL All-Filipino Conference matapos walisin ang Cherry Tiggo

Petro Gazz, pasok sa semi finals ng PVL All-Filipino Conference matapos walisin ang Cherry Tiggo

PASOK na rin sa semi finals ng PVL All Filipino Conference ang Petro Gazz Angels matapos nitong lampasuhin ang Cherry Tiggo Crossovers sa loob lamang ng 3 set.

Nakuha ng Angels ang Final Four slot at tinapos ang pag-asa ng Crossovers para sa Playoff spot matapos na nagtapos sa iskor na 25-21,28-26, at 25-21.

Tinapos ng petro gazz ang elimination round na may 6-2 win-loss record at kapantay nito sa standing ang f2 logistics.

Pinangunahan ni gretchel soltones ang petro gazz na may 14 points na sinundan naman ni aiza maizo-pontillas na may 13 points.

Nakapag-ambag din si remy palma sa panalo ng petro gazz na may 12-point production.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter