Red Velvet, magkakaroon ng concert sa Pilipinas ngayong Mayo

Red Velvet, magkakaroon ng concert sa Pilipinas ngayong Mayo

MAGKAKAROON ng concert ang K-pop girl group na Red Velvet sa buwan ng Mayo, Pinoy Reveluvs!

Ang schedule batay sa official Twitter post ng grupo ay sa May 7, 2023.

Sa ngayon ay wala pang ensaktong venue, seat plan, at ticket prices.

Ito na ang pinakaunang pagkakataon para magsagawa ng concert ang Red Velvet sa Pilipinas dahil ang mga nakaraang pagbisita nito ay pawang mga K-pop Music Festivals lang.

Ang pinakahuli ay sa Mall of Asia Arena noong July 2022 na isang advocacy concert.

Sikat ang Red Velvet sa mga kanta tulad ng “Red Flavor”, “Russian Roulette”, “Psycho”, “Bad Boy” at “Feel My Rhythm”.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter