NAKAKUHA ang PetroEnergy Resources Corp. ng 1.8-B na pautang para sa konstruksyon ng 13.2-megawatt wind power project sa Aklan Province.
Sa regulatory filing nitong Huwebes, nagkasundo ang Petro Energy at Development Bank of the Philippines (DBP) para sa Nabas-2 Project.
Popondohan ng 15-year loan ang major infrastucture buildup kasama ang installation ng wind turbine generators, konstruksyon ng temporary jetty, mga kalsada at bagong substation and switching station.
Nagpasalamat si PetroWind President Milagros V. Reyes sa suporta ng DBP upang maitaguyod ang proyekto.
Ayon naman kay Michael O. de Jesus, DBP President and Chief Executive Officer, isa itong oportunidad na magawa ang tungkulin at bilang pakikiisa ng bangko sa agenda ng bansa sa pagpapalago at pag-unlad ng ekonomiya.
Ang PetroWind ay isang developer at operator ng 36-MW Nabas-1 wind project na tumutulong sa supply ng kuryente sa Visayas Electricity Grid.