NAKAMIT ng Philippine Softball Team mula sa Bago City ang kampeonato sa ginanap na Junior League Softball World Series sa Kirkland, Washington.
Nakakuha ang Pilipinas ng 3-0 points kontra USA East Region dahilan upang maitanghal ito bilang seasons champions.
Pinangunahan ni Pitcher Erica Arnaiz ang laro, kung saan nauna nang natalo ng koponan ang mga kinatawan mula sa Florida ng Southeast, Washington District 9, Canada, at Michigan ng Central Region.
Proud na proud naman ang mga coach maging ang mga magulang ng mga atletang sumabak sa championship sa tagumpay na nakuha ng Philippine Softball Team.