SA ilalim ng direktiba ni Philippine Army North Luzon Commander LtGen. Ernesto Torres, agad na nagpadala sila ng tropa para tumulong sa mabilis na pagbangon ng mga apektadong pamilya at mga residente sa lalawigan ng Abra.
Matatandaang, kaliwa’t kanang pagguho ng lupa at malawakang bitak sa mga gusali ang naitala kasunod ng malakas na magnitude 7 na lindol sa probinsiya.
“Noong naramdaman ang pagyanig, kahit nga po sa Tarlac ay naramdaman ang malakas na epekto ng lindol at agad na nagbigay ng direktiba po ang ating Commander LtGen. Ernesto Torres Jr., na i-asses po ‘yung area at napag-alaman nga po na ang epicenter po nito ay Abra at Vigan ang mga nakuhang reports na marami ang apektado sa lindol. Nagbigay po naman agad ng direktiba sa mga ground commanders upang magbigay ng agarang tulong sa mga nangangailangan,” pahayag ni LtCol. Elmar Salvador, Chief, PIO, NolCom.
Bukod dito, agad ding binuhay ng Philippine Army ang Battle Staff Bravo na magsisilbing coordinating center ng North Luzon Command sa mas mabilis na ugnayan ng militar at iba pang pwersa ng pamahalaan sa paghahatid ng tulong sa mga biktima ng nasabing kalamidad.
Kasama dito ang pakikipagtulungan sa LGUs ng North Luzon na nais magbigay ng suporta sa lalawigan ng Abra at sa kalakhang bahagi ng Cordillera Autonomous Region.
“Ganoon din po, pina-activate po niya agad ang Battle Staff Bravo ng NorthernZon Command at nagkaroon na agad ng coordinating centers upang magkaroon na agd ng coordination sa iba’t ibang mga ahensiya at ma-monitor ang kaganapan,” ayon kay Salvador.
Sa ngayon, isa sa mga ginagawa ng militar ay ang aerial reconnaissance para ma-monitor ang lawak ng pinsala sa nangyaring lindol sa CAR partikular na sa lalawigan ng Abra.
“Isa rin po sa mga efforts ng NorthernZon Command ay ang pagbibigay po ng direktiba sa mga Joint Task Forces natin na gamitin po ang mga available na air assets upang mag-conduct po ng aerial reconnaissance para magkaroon ng agarang damage assessment at saka need assessment sa mga lugar na naapektuhan po ng malakas na lindol,” ani Salvador.
Kasabay ng pagpapaabot ng pakikiramay sa mga pamilya ng mga nasawi dulot ng malakas na lindol sa Abra, naghahanda rin ang tropa ni NCRPO Chief PMaj. General Felipe Natividad para magtungo sa lalawigan.
“We, in the NCRPO would like to extend our deepest sympathy to those who were affected by the 7.0 Magnitude Earthquake that hit Northern Luzon today,” ayon kay Natividad.
“We are saddened by the news about the growing number of victims and injured survivors apart from vast damage to properties and infrastructures in severely affected areas like in the province of Abra,” dagdag nito.
Ang nasabing augmentation ay para mapabilis ang isinasagawang search and rescue operations sa probinsiya ng Abra na lubhang naapektuhan ng pagtama ng lindol sa lugar.
“Our troops were already prepared for possible send-off to augment in search and rescue operations should our service be imperative. Extending necessary aids to the victims is being taken into consideration as well in partnership with the Police Provincial Offices, Local Police and Local Government units having jurisdiction therein,” ayon kay Natividad.
Kaugnay nito, tiniyak ni Natividad na nakahanda ang buong hanay ng NCRPO para tumugon sa mga kalamidad sakaling tumama ang isang malakas na lindol dito sa Metro Manila.
Aniya, walang dapat ipag-alala ang publiko dahil sa lawak ng kasanayan ng mga tauhan nito para masigurong ligtas ang mamamayan mula sa mga inaasahang trahedya at kalamidad na tatamaan sa lalawigan.
Matatandaang, umabot na sa apat ang naitalang nasawi sa Cordillera Autonomous Region kasama ang La Trinidad at Tuba, Benguet, Balbalan Kalinga at Bangued, Abra.
Inatasan din ni PNP OIC PLtGen. Vicente Danao Jr. si PNP Area Police Command-Northern Luzon Commander PLtGen. Rodolfo Azurin Jr. na pakilusin ang Regional Mobile Force Battalions at Provincial Mobile Force Companies para sa road-clearing at disaster response operations.