PM Albanese, tinanggihan ang panawagang i-ban ang fossil fuel projects

PM Albanese, tinanggihan ang panawagang i-ban ang fossil fuel projects

HINDI pinahintulutan ni Prime Minister Anthony Albanese na magkaroon ng temporaryong ban sa mga proyektong may kaugnayan sa fossil fuel sa hinaharap dahil posibleng maapektuhan umano ang ekonomiya ng bansa.

Ayon kay Albanese, ang pag-ban sa fossil fuel exports maging sa bagong coal at gas mines ay walang magagawa sa pagpapababa ng carbon emission o global warming.

Binigyang-diin nito na malaking epekto ang maidudulot nito sa ekonomiya ng bansa.

Si Albanese ay naglabas ng pahayag matapos manawagan ang political party na Australian Greens sa gobyerno na itigil na ang fossil fuel exports.

Iprinesenta naman kahapon ng gobyerno ang Climate Change Bill na tutulong sa pagpapababa ng carbon emission sa 2030 hanggang 2050.

Samantala, nagbabala naman ang partidong Greens na ibo-block nito ang pagpapasa ng Climate Change Bill kung hindi naiayos ang kanilang pangamba ukol sa fossil fuel projects.

Follow SMNI NEWS in Twitter