HINILING ni 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach na tigilan na ng mga tao ang panay na pagtatanong sa mga kababaihan lalong-lalo na sa mga naikasal kung kailan ito magkakaroon ng anak.
Aniya, palagi niya na itong naririnig pagkatapos naikasal sa Scottish Entrepreneur na si Jeremy Jauncey noong Marso 2023.
Sabi ni Pia, hindi naman nasusukat ang isang halaga ng babae sa pamamagitan ng kakayahan nito na magkaroon ng anak.
Nilinaw pa ni Pia na nais niya namang maging ina subalit hindi pa sa kalagitnaan ng kaniyang career ngayon.
Kaugnay nito ay saludo aniya si Pia sa lahat ng mga kababaihan na may ibang prayoridad maliban pa sa pagkakaroon ng anak.
Ninanais niya ring depensahan ang mga ito mula sa mga kritiko dahil aniya, iba’t iba ang ikinokonsiderang “importante” ng isang tao gaya na lang halimbawa ng pagkakaroon ng magandang career, posibleng pag-aalaga sa kanilang mga magulang habambuhay at iba pa.