NAGKASUNDO ang Pilipinas at Estados Unidos na magkaroon ng apat na karagatan lugar sa ilalim ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA).
Ito ang inanunsyo ng Department of National Defense (DND) bilang bahagi ng plano ng dalawang bansa na pabilisin ang pagpapatupad ng nasabing kasunduan.
Ayon sa DND, ang pagdaragdag ng mga bagong lugar ay magbibigay-daan para sa mas mabilis na suporta sa humanitarian at climate-related disasters at iba pang hamon.
Nabatid na naglaan ang Estados Unidos ng mahigit 82 milyong dolyar para sa infrastructure investments ng limang kasalukuyang lugar sa ilalim ng EDCA.
Nakatulong aniya ito sa paglago ng ekonomiya at paglikha ng trabaho sa mga lokal na komunidad sa bansa.
Binigyang-diin ng DND na mahalagang haligi ng alyansa ng Pilipinas at Amerika ang EDCA na sumusuporta sa combined training, exercises, at interoperability.