Mental health issue lalong tumataas, dahil mas mahirap ang pang-araw-araw na buhay –Pimentel

Mental health issue lalong tumataas, dahil mas mahirap ang pang-araw-araw na buhay –Pimentel

IKINABAHALA ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang tumataas na mental health issue sa bansa.

Ayon kasi sa pinakahuling ulat ng Department of Education (DepEd), nasa 404 na mag-aaral sa buong bansa ang nagpakamatay habang 2,147 iba pa ang nagtangkang magpakamatay noong Academic Year 2021-2022.

Kasabay nito, nanawagan naman si Pimentel sa mga mag-aaral na kung maaari ay mag-enroll sa mga kursong may kinalaman sa sikolohiya, kung kinakailangan. mental health issue

Agad naman itong binigyang pansin ng pamahalaan sa pamamagitan ng paglalaan ng humigit kumulang P3 bilyon para sa mental health mula sa 2023 national budget.

Follow SMNI NEWS in Twitter