Pilipinas at Canada, nasa huling yugto na ng isang visiting forces deal

Pilipinas at Canada, nasa huling yugto na ng isang visiting forces deal

NASA huling yugto na ang Pilipinas at Canada sa negosasyon nila hinggil sa Visiting Forces Deal, isang kasunduan na magpapahintulot sa dalawang bansa na magpadala ng sundalo sa isa’t isa.

Sa naturang kasunduan, maaari na ring makilahok ang Canada sa malalaking joint military exercises na isinasagawa ng Pilipinas at Estados Unidos bawat taon.

Sa pahayag ni Canadian Ambassador David Hartman, umaasa sila na mapipirmahan na ang kasunduan bago matapos ang taong 2025.

Samantala, ang Pilipinas ay mayroon nang kaparehong kasunduan sa pagitan ng Estados Unidos at Japan.

Nakikipag-usap na rin ito sa kasalukuyan sa pagitan ng France at New Zealand para sa kaparehong Visiting Forces Deal.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble