NAGKAROON ng pagkakataon na magpulong si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Vietnam Prime Minister Pham Minh Chinh na ginanap sa sidelines ng ASEAN Summit sa Sokha Hotel.
Sinabi ni Foreign Asec. Nathaniel Imperial ng Office of Asian and Pacific Affairs na hinangaan ng Vietnamese Prime Minister si Pangulong Marcos kaugnay sa COVID-19 response at ang patuloy na paglago ng ekonomiya ng bansa.
Nagpasalamat naman si Pangulong Marcos kay Vietnam Prime Minister Chinh sa pagpapadala ng suporta ng kaniyang bansa nang manumpa ito sa posisyon bilang pangulo ng bansa.
Nagpahayag din ang bansang Vietnam ng suporta kay Pangulong Marcos sa nais nitong pagpapalawak ng trade relations.
Ayon kay Asec. Imperial, tinalakay ng dalawang lider ang pagpapalakas ng defense, trade, investment, agriculture at maritime security.
Kabilang sa mga nakasamang opisyal ng pamahalaan sa bilateral talks ni Pangulong Marcos at Vietnam Prime Minister sina House Speaker Martin Romualdez, PMS Secretary Maria Zenaida Angping at Foreign Affairs Sec. Enrique Manalo.