Kahalagahan ng defense cooperation ng Pilipinas at Vietnam, binigyang-diin ng military officials ng dalawang bansa

Kahalagahan ng defense cooperation ng Pilipinas at Vietnam, binigyang-diin ng military officials ng dalawang bansa

BINIGYANG-diin ng Pilipinas at Vietnam ang kahalagahan ng defense cooperation sa pamamahala at pagtataguyod ng kapayapaan at katatagan ng rehiyon.

Ito ay kasunod ng pulong nina AFP Chief of Staff Lieutenant General Bartolome Vicente Bacarro at Vietnam People’s Army Chief of General Staff at Vice Minister of National Defense Senior Lieutenant General Nguyen Tan Cuong.

Ginanap ang pulong ng dalawang opisyal sa AFP General Headquarters sa Camp Aguinaldo, Quezon City.

Nabatid na ang Pilipinas at Vietnam ay kasalukuyang may Memorandum of Understanding on Defense Cooperation na nilagdaan noong 2010.

Gayundin ang 1999 Aide Memoire sa pagitan ng Philippine Navy at Vietnamese Navy na nagbibigay-daan sa military student exchanges, navy-to-navy inter++action, at intelligence exchange.

Follow SMNI NEWS in Twitter