HINDI lamang nakatuon sa street-level drug pushers ang Pilipinas kundi hinahanap ng pamahalaan ang big-time drug distributors.
Ito ang naging laman ng talumpati ni Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Remulla sa ginaganap na 52nd sessions ng United Nations Human Rights Councils sa Geneva.
Aniya ito ang isa sa mahigpit na kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa paglaban kontra iligal na droga.
Iginiit nito na inatasan sila ng Pangulo kasama ang mga iba’t ibang ahensiya na arestuhin ang mga sindikato dahil naniniwala ang pamahalaan na ang sanhi ng pagkasira ng mga tahanan ng mga Pilipino ay dahil sa droga.
Aminado naman si Remulla na isang malaking hamon sa bansa ang paglaban sa droga at ito ay hindi madaling gawin lamang.