Katawan ng isang lalaking nawawala sa Argentina, natagpuan sa loob ng katawan ng isang pating

Katawan ng isang lalaking nawawala sa Argentina, natagpuan sa loob ng katawan ng isang pating

NATAGPUAN ng dalawang mangingisda ang katawan ng isang nawawalang lalaki sa Argentina sa loob ng isang pating na kanilang nahuli ayon sa imbestigador.

Ang lalaking kinilalang si Diego Barria na 32 taong gulang na misteryong nawala noong Pebrero 18 ay nakilala dahil sa tattoo nito sa braso.

Nahuli ng dalawang mangingisda ang tatlong school sharks malapit sa bayan ng Comodoro Ribavadavia at nagulat aniya ang mga ito nang makita ang labi ni Barria sa loob ng isa sa mga pating.

Sinabi ni Regional Police Chief Cristian Ansaldo na walang malinaw na teorya kung paano namatay si Barria ngunit aniya ay maaaring bumangga ang sinasakyan nitong motor malapit sa coastal area kung saan ito natangay ng alon ng dagat.

Follow SMNI NEWS in Instagram