IPINAGBAWAL muna ng Department of Agriculture (DA) ang pag-angkat ng poultry products mula sa Belgium at France dahil sa sunud-sunod na bird flu outbreak doon.
Sa pagbabawal ayon kay DA Secretary Francisco Laurel, Jr. ay para maiwasan ang pagpasok ng Highly Pathogenic Avian Influenza (HPAI) sa bansa.
Sa hakbang na ito ay mapoprotektahan din ang lokal na produkto, mga poultry worker at mga konsyumer.
Mananatili ang implementasyon ng import ban hanggang hindi ito inaalis ng DA.