KASAMA ang Pilipinas sa “Radical Optimism Tour” ng British-Albanian pop star na si Dua Lipa.
Ayon sa Live Nation Philippines, Nobyembre 13 sa Philippine Arena, Bocaue, Bulacan ang concert.
Ang ticket selling ay magsisimula sa Hunyo 10 para sa LNPH presale at Hunyo 11 sa general sale.
Bumisita na si Dua sa Pilipinas noong taong 2018 at ang naging venue nito ay ang Mall of Asia Arena.