Pilipinas, magkakaroon ng kauna-unahang Disaster Survival School

Pilipinas, magkakaroon ng kauna-unahang Disaster Survival School

MAGKAKAROON na ng kauna-unahang Disaster Survival School ang bansa matapos nagkaroon ng kasunduan sa pagitan ng isang Korean company.

Partikular na nagkasundo para dito ang ACDI Multi-Purpose Cooperative at ang save zone ng Seoul.

Sa pamamagitan ng naturang kasunduan, mapapalakas na ang disaster response ng Pilipinas lalung-lalo na at madalas na tinatamaan ng kalamidad ang bansa.

Maliban sa pagpapalakas ng disaster response ay makatutulong rin ito ayon sa kooperatiba na mapalakas ang turismo dahil bukas ito sa local at international students.

Samantala, sa Calabarzon planong itayo ang naturang Disaster Survival School.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble