Pilipinas, nakapagtala ng mahigit 800 bagong kaso ng COVID-19 ngayong linggo

Pilipinas, nakapagtala ng mahigit 800 bagong kaso ng COVID-19 ngayong linggo

NAKAPAGTALA ng 832 na bagong kaso ng COVID-19 ang bansa.

Ito ay mula Pebrero 20-26.

Ang average na bilang ng bagong kaso kada araw ngayong linggo ay nasa 119.

Pero ayon sa Department of Health (DOH), ang mga naitalang bagong kaso ay mas mababa ng 7% kung ikukumpara sa mga kaso noong Pebrero 13-19.

Sa mga bagong kaso, wala sa mga ito ang may malubha at kritikal na karamdaman.

Samantala, mayroon namang naitalang 78 na pumanaw kung saan dalawa ay naganap noong Pebrero 13-26.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter