US, naniniwalang handang magbigay ang China ng mga armas sa Russia

US, naniniwalang handang magbigay ang China ng mga armas sa Russia

NANINIWALA ang Estados Unidos na handang magbigay ang China ng mga delikadong armas upang suportahan ang pwersa ng Russia na sakupin ang Ukraine ayon kay Central Intelligence Agency (CIA) Director William Burns.

Ayon kay Burns, hindi ito magandang desisyon para sa China at umaasa siyang hindi ito itutuloy ng pamahalaan ng Beijing.

Ngunit sa ngayon, nilinaw naman ni Burns na nakatakda pa lamang kumpirmahin ng Estados Unidos kung nakapagpadala na nga ba ang China ng mga armas para tulungan ang Russia.

Nakasaad din sa ulat ng Wall Street Journal na kinokonsidera ng China ang magpadala ng drones at munitions sa Russia.

Follow SMNI NEWS in Twitter