Pilipinas, walang isusukong teritoryo –PBBM

Pilipinas, walang isusukong teritoryo –PBBM

NANGAKO si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na kanyang itataguyod ang integridad ng Philippine territory sabay sinabing hindi isusuko ng Pilipinas ang teritoryo nito.

Nabanggit ito ni Pangulong Marcos sa gitna ng isyung panunutok ng military grade laser ng Chinese Coast Guard sa Philippine Coast Guard sa Ayungin Shoal kamakailan.

Saad pa ni Pangulong Marcos, hindi ibibigay ng bansa ang isang pulgada ng teritoryo nito sa gitna ng kasalukuyang geopolitical tensyon.

This country will not lose one inch of it’s territory. We will continue to uphold our territorial integrity and sovereignty in accordance with our Constitution and with international law,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Nangako naman ang Punong Ehekutibo na makikipagtulungan ang Pilipinas sa mga kaalyadong bansa para masigurado ang kaligtasan ng mga Pilipino.

PBBM: Paggamit ng PH-US sa MDT matapos ang laser-pointing incident ng China, magpapatindi lang ng tensyon sa WPS

Subalit, sa kabila nito, sinabi ni Pangulong Marcos na hindi kinakailangan na gamitin ng bansa ang Mutual Defense Treaty (MDT) sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos.

Ito ay may kaugnayan pa rin sa laser-pointing incident ng China.

Isinaysay ni Pangulong Marcos na ang paggamit ng naturang MDT ay magpapalaki lamang ng tensyon sa WPS.

“So we are in constant contact of course with our treaty partners, not only with the United States but also our ASEAN partners and our partners here in Asia and that I think is the better recourse rather than to go directly to the Mutual Defense Treaty which again, I am very concerned would provoke the tensions rather than cool the tensions down,” ayon kay Pangulong Marcos.

Ibinahagi naman ni Pangulong Marcos ang sinabi niya kay Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian nang ipinatawag niya ito sa Malakanyang.

“And I — actually I said we have to find a way around this because if we are such close friends such as China and the Philippines, these are not the kind of incidents that we should be talking about between the President and the Ambassador to the Philippines from China,” ani Pangulong Marcos.

Iginiit ng Pangulo kay Chinese Ambassador Huang na dapat tuparin ng Beijing ang mga naging kasunduan ng Pilipinas at China na pinagtibay makaraan ang kanyang pagbisita sa naturang bansa.

“And I reminded him that this was not what we agreed upon with President Xi when I visited him in Beijing,” aniya.

Inihayag ni Pangulong Marcos na umaasa ang magkabilang panig na makakahanap sila ng isang mas mahusay na paraan upang matugunan ang mga pagsalakay na ito sa teritoryong pandagat ng Pilipinas.

Gayundin ang mga agresibong aksyon ng China na nakikita ng Pilipinas nitong mga nakaraang linggo.

Follow SMNI NEWS in Twitter