Pimentel nais sumali ang Pilipinas sa ICC; Bato hindi sang-ayon

Pimentel nais sumali ang Pilipinas sa ICC; Bato hindi sang-ayon

HINDI sang-ayon si Sen. Roland ‘’Bato’’ Dela Rosa sa gusto ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel na sumali ang Pilipinas sa International Criminal Court (ICC).

Ito’y matapos sabihin ni Pimentel sa isang panayam ngayong araw.

Paniniwala ni Dela Rosa, ang huling magbibigay ng hustisya sa lahat ng tao ay ang langit at para dito sa pisikal na mundo ang huling magdedesisyon ay ang Korte Suprema.

Matatandaan, March 17, 2019 opisyal nang umatras ang Pilipinas sa ICC matapos tanggihan ng country’s highest court na i-over rule ang desisyon ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte na umalis permanente sa war crimes tribunal.

Follow SMNI NEWS in Twitter