Pinakabagong updates sa kampanya ng senatorial candidates

Pinakabagong updates sa kampanya ng senatorial candidates

MALAPIT na ang 2025 midterm elections at narito ang pinakabagong updates sa kampanya ng mga senatorial candidate.

Nagtungo sa Victorias City, Negros Occidental ang mga senatoriable ng Alyansa ng Bagong Pilipinas kasama si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ilan sa mga sinusuportahan ni Marcos Jr. na kabilang sa nasabing alyansa ay sina Senadora Pia Cayetano at Imee Marcos, Senador Francis Tolentino at Bong Revilla, pati na rin sina Lito Lapid, Erwin Tulfo, Tito Sotto, Manny Pacquiao, Abby Binay, Camille Villar, at Benhur Abalos.

Samantala, si Atty. Luke Espiritu ay nagtungo sa Albay para sa pangangampanya at dumalo sa isang radio guesting.

Bumisita naman sa Cavite Provincial Capitol si Col. Ariel Querubin at nakipagpulong kay Gov. Athena Tolentino.

Habang si Bam Aquino ay dumalo sa pagpupulong ng Philippine Councilors League (PCL) Pangasinan Chapter, kung saan inilalahad niya ang kanyang mga plataporma sa edukasyon.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble