MATAPOS ang mapaminsalang pandemya dala ng COVID-19 sa buong mundo, ay muling nagsama-sama ang mga Pinoy sa pinakamalaking pagtitipon taon-taon sa bansang Hong Kong hatid ng The Kingdom of Jesus Christ ni Pastor Apollo C. Quiboloy.
Tatlong taon ang hinintay ng mga Pilipino sa Hong Kong para sa inaabangang taunang Young and Adult Camp.
Tahanan ng humigit-kumulang 200 libong mga Pilipino.
Karamihan sa kanila ay mga Pinay na nagtratrabaho bilang mga household worker.
Pangungulila at sakripisyo na malayo sa pamilya ang kanilang binabalikat araw-araw mabigyan lang ng magandang kinabukasan ang kanilang mga mahal sa buhay sa Pinas.
Sa Hong Kong panlaban nila sa pangungulila ay ang pagkikita-kita nila tuwing day-off kasama ang iba ring mga Pilipino.
At ang pinakaaabangan ng mga Pilipino sa Hong Kong kada taon ay ang Young and Adult Camp ng The Kingdom of Jesus Christ ni Pastor Apollo C. Quiboloy.
Ngayong 2023 ang ika-25 Young and Adult Camp ng Hong Kong KLC na muling isinagawa sa Southorn Stadium sa Wan Chai, Hong Kong.
Taong 1996 unang isinagawa ang regular na aktibidad na ito at pansamantalang nahinto dahil sa COVID-19 pandemic.
Walong koponan ang naglaban-laban na nagrerepresenta sa iba’t ibang lugar ng Hong Kong.
Sinimulan ang aktibidad sa pamamagitan ng parada ng lahat ng mga koponan.
Matapos ang parada ay agad sumabak sa laban ang mga team sa larong volleyball.
Matapos ang single elimination ay nagharap-harap sa volleyball finals ang koponan ng Eastern Region at New Territory Regional.
At matapos ang dikdikang laban.
Ay nanaig at naging kampeon ang koponan ng Eastern Region.
Agad namang sumunod ang patimpalak sa pag-awit.
Sa huli ay si Shiela Sajulga ng Northern Region ang itinanghal na kampeon.
Isa rin sa pinaghahandaan ng lubos ng bawat team sa mahabang panahon ay ang cheer dance competition.
Kung saan nakiisa ang lahat sa pagsayaw, pag-indak, pagkending at paghiyaw.
Nakuha ng Northern Region ang unang puwesto ng cheer dance competition.
Maliban sa nabanggit na kompetisyon ay una nang naglaban-laban ang mga koponan sa iba’t ibang paligsahan.
At bago inihayag kung sino ang naging overall champion ng 25th Young and Adult Camp ng Hong Kong KLC ay nagbigay muna ng talumpati ang bisita ng aktibidad na si OFW Party-list Rep. Marissa del Mar Magsino na kabilang din sa mga hurado.
Kasabay ng kaniyang talumpati ay ang pag-promote sa kaniyang darating na programang ‘OFW, Ikaw ang Bida’ sa Agosto sa SMNI.
Sa kaniya namang programang Sounds of Worship, Linggo ng hapon ay binati ni Pastor Apollo C. Quiboloy, ang 25th Young and Adult Camp ng Hong Kong KLC.
Hindi naman nagpahuli ang mga delegado sa pagpapaabot ng pasasalamat kay Pastor Apollo dahil sa muling naganap na pinakamalaking pagtitipun-tipon ng mga Pilipino sa Hong Kong kada taon.
Maging ang pagtuturo sa mga salita ng makapangyarihang Ama sa pamamagitan ng Anak.