BUMABA pa sa 13.8 degrees Celsius (°C) ang temperatura sa Baguio City ngayong Amihan season.
Batay ito sa pinakahuling datos ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Linggo, Enero 12, 2025.
Ito na ang pinakamalamig na naitalang temperatura sa lungsod ngayong 2024-2025 northeast monsoon season.
Kabilang din sa mga lugar na nagtala ng mababang temperatura ang Itbayat, Batanes (17.5°C); Malaybalay, Bukidnon (18°C); Casiguran, Aurora (18.2°C); Tanay, Rizal (19.1°C); Abucay, Bataan (19.4°C); Calayan, Cagayan (19.9°C); Baler, Aurora (20°C); Sinait, Ilocos Sur (20.2°C); at Tuguegarao City, Cagayan (20.4°C).