PATULOY na mararanasan ang La Niña-like conditions sa bansa hanggang Marso 2025.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), umabot na sa La Niña conditions threshold nitong Disyembre ang malamig na sea surface temperature sa Equatorial Pacific Ocean na nagsimula pa noong Setyembre ng nakaraang taon.
Sinabi din ng PAGASA na mataas ang posibilidad ng mas maraming pag-ulan at tumaas ang bilang ng mga tropical cyclone o bagyo na papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa mga buwan ng Enero, Pebrero, at Marso.
Dahil dito, pinapayuhan ang publiko na maghanda at manatiling alerto sa mga posibleng epekto ng La Niña-like conditions sa bansa lalo na sa mga lugar na madalas maapektuhan ng pagbaha at landslide.