ISINUGOD sa ospital ang pinakamatandang anak ng Hari ng Thailand.
Si Princess Bajrakitiyabha ay nawalan ng malay sa Northeastern Nakhon Ratchasima Province at ginamot sa isang lokal na ospital.
Inilipad ito kalaunan sa Bangkok matapos lumala ang kanyang kondisyon.
Ang Prinsesa ang isa sa tatlong anak ng Hari na mayroong pormal na titulo na nagbibigay rito ng karapatan sa trono base sa 1924 Palace Law of Succession at konstitusyon ng bansa.
Matatandaan na wala pang itinatalaga na tagapagmana ang hari simula nang umupo ito sa pwesto taong 2016 at wala ring opisyal na diskusyon kung ang Prinsesa ba ang papalit rito sa trono.
Ang Prinsesa ay nagtatrabaho sa United Nations at nagsilbing ambassador ng bansa sa Austria, Slovenia at Slovakia at dumadalo sa Working Dog Championship na inorganisa ng army nang mawalan ito ng malay.
Sa ngayon ay nasa Chulalongkorn Hospital na sa Bangkok ang Prinsesa at kasalukuyang sumasailalim sa paggagamot.