Pinakamurang gasolinahan sa Binangonan, Rizal, binuksan na; Mga motorista, dagsa

Pinakamurang gasolinahan sa Binangonan, Rizal, binuksan na; Mga motorista, dagsa

SA gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin sa mercado ay kasama rin sa nagpapasakit sa ulo ng mga publiko, partikular ng mga motorista at drayber, ay ang dagdag-singil sa mga produktong petrolyo.

Tulad na lang ni Tatay Pedro na taga-Binangonan, Rizal – tiyaga talaga sa paghahanap ng gasolinahan na nagbebenta ng mas murang petrolyo.

“Mahirap kasi mataas masyado tapos ang pasahero ngayon hindi pareha ng dati. Noong kapanahunan nung araw ay puwede pa P40 ngayon hindi pahirapan ngayon,” ayon kay Pedro, Motorista.

Ang hinaing nga ng mga motoristang gaya ni Tatay Pedro hinggil sa mataas na presyo ng gasolina ay sosolusyunan ng isang oil industry player na Cleanfuel.

Binuksan na sa mga motorista ang ika-152 branch ng Cleanfuel sa Binangonan, Rizal.

“Ang kagandahan sa Cleanfuel ay because all our stations is company owned at company operated ay ‘yung margin na ibinibigay sa franchisee ay nabibigay na natin sa tao instead that’s why we are able to maintain the low price fuel that we have and of course we continue to improve ‘yung ating service,” saad ni Atty. Bong Suntay, President & CEO, Cleanfuel.

Dahil na rin sa mababang singil ng Cleanfuel sa petrolyo ay dagsa ang mga motorista.

Isa na riyan si Kuya Christopher na napadaan lang pero naengganyong magpakarga dahil higit daw’ng mababa ang alok ng CleanFuel.

“Kagaya nito dikit-dikit diba, sa unahan mahal kapag hindi pa naman ubos ang gas ko hahanap muna ako ng mas mura. Ito nga nakita ko nakadiscount opening promo kaya tumuloy ako dito. Imbes na inaano ko sa mas gasto, makakabili ka pa ng pang gasto mo sa bahay,” wika ni Christopher, Motorista.

“Sa lahat ng motorista, daan kayo dito sa Cleanfuel Binangonan. Kapag napunta kayo kahit hindi kayo magpa-gasolina kahit gusto niyo lang gumamit ng banyo ay okay lang. Ang importante ay download the Cleanfuel app para kung saan makita niyo kung saan ang location ng lahat ng Cleanfuel,” dagdag ni Suntay.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble