Pinas Boxing Team, sisikaping makakuha ng maraming gintong medalya sa 32nd SEA Games

Pinas Boxing Team, sisikaping makakuha ng maraming gintong medalya sa 32nd SEA Games

SISIKAPIN ng Philippine Boxing Team ang makakuha ng mga gintong medalya mula sa 32nd SEA Games.

Ayon sa boxing team, maliban sa bansa, iaalay anila ang kanilang mga makukuhang medalya sa namayapa nang Association of Boxing Alliances of the Philippines (ABAP) President Ed Picson.

Ngayong araw, May 6, 2023 magsisimula ang boxing match sa isang convention center sa Cambodia.

Kasama sa Pinas Boxing Team sina Nesthy Petecio, Carlo Paalam, Irish Magno, Ian Clark Bautista, Mark Lester Durens, Rogen Ladon, Paul Julyfer Bascon, James Palicte, Norlan Petecio, John Nobel Marvin, Markus Cezar Tongco, at Riza Pasuit.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter